Sunday, March 6, 2011

Sana tama ako

Alam mo na ngayon na nagpupunta pa rin ako kay Ian. Naniniwala akong milagro ni Ian yun kung paano mo natuklasan sapagkat wala naman akong ginawa para malaman mong nagpupunta ako sa kanyang puntod.

Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na tayo sa dulo. Pero hindi ako ang unang taong nagmahal, nasaktan at umasa na muling magkabalikan ang dalawang nagmamahalan. Sana sa lahat ng inasahan ko nuon, kabilang na rin itong ngayon, sana tumama na ko ngayon. Sana sa lahat ng pagpapakatanga ko dati para sa pag-ibig, sana tumama na ko ngayon. Sana sa huli ay tayo pa rin.

Hindi ko malaman kung bakit malakas ang paniniwala kong didinggin ng Diyos ang aking dasal. Hindi ko rin malaman kung bakit malakas ang paniniwala kong sa huli ay tayo pa rin. Sana talaga ay tama ako sa pagkakataong ito...

No comments:

Post a Comment