Wednesday, February 16, 2011

Mushy Tagalog

Kung makapulot ako ng lampara at sa paghimas ko nito ay may isang genie na lumabas at binigyan ako ng tatlong hiling para tuparin, paulit-ulit kong hihilingin na bigyan tayo muli ng isang pagkakataon upang ipagpatuloy ang pagmamahalan natin.

Kung makakita ako ng bituin na nahuhulog sa langit, hihilingin kong alisin ang lahat ng sakit ng nakaraan upang tayong dalawa ay muling makapagsimula nang masaya.

Kung tanungin man ako ng Diyos ano ang ikasisiya ng puso ko, sasabihin kong nais kong maisaayos ang lahat upang tayong dalawa'y muling makapagsama.

Maraming nangyayari ngayon na hindi ko maintindihan pero sa likod ng lahat ng ito, isa lang ang nasisiguro ko - ikaw pa rin ang laman ng puso ko. Mawala na ang lahat sa akin, huwag lang ikaw. Kaya kong isuko lahat sapagkat ang yaman ay kayang palitan pero ikaw ay walang katulad.

Masakit sa akin ang iwan ka subalit kinakailangan upang ikaw ay magtanda't matuto. Kung palarin man tayo na ang landas nati'y muling magkatagpo at pahintulutan tayo na ipagpatuloy ang dati nating pagmamahalan, sigurado akong higit na magiging karapat-dapat tayo para sa isa't isa sapagkat dun ko lamang mapatutunayang tayo'y nakatakda. Batid sa pagwika ko nito ang pangambang di ito magkatotoo subalit wala akong magagawa kung hindi Niya nais ito.

Kung kaya't Panginoon, sana po ay magkaisa ang nais nating dalawa para sa akin. Sana po ay pareho tayo ng nasa isip sapagkat tunay ko pong ikaliligaya na makapiling siyang muli. Hindi na baleng may problema sapagkat kasama talaga yun sa isang relasyon. Ang mahalaga, tayo'y magkasama. Wala nang iwanan magpakailanman.

No comments:

Post a Comment